Elvis Bonife Panalangin
Panalangin
Laganap na naman ang kasamaan
Hindi na ba mapipigilan
Naglalakad sa kadiliman
Kailan kaya mapakikinggan
Hanggang saan, hanggang kailan
Maglalakad sa kawalan
Kailan kaya mapakikinggan
Chorus;
Panalangin ang sagot sa iyong suliranin
Isang tawag mo lang lahat ay magbabagong ganap di ka na mag-iisa
Hindi ka na mangangamba
Ang liwanag ay nandito na
Bridge;
Harapin ang bukas, isang bagong umaga
Baon ang ngiti na nagsisilbing espada
Hawak ang karunungan isinulat ng tadhana
Taglay ng pusong puno ng pag-asa
Si Kristo liwanag mo
Si Kristo sandigan ko
Si Kristo liwanag mo
Liwanag sa madilim na mundo