Home Page »  G »  Gary Granada
   

Pag Natatalo Ang Ginebra Lyrics


Gary Granada Pag Natatalo Ang Ginebra

[Verse 1]
Sinusundan ko ang bawat laro
Ng koponan kong naghihingalo
Sa bawat bolang binibitaw
'Di mapigilang mapapasigaw
Kahit hindi relihiyoso
Naaalala ko ang mga santo
O San Miguel, Santa Lucia
Sana manalo ang Ginebra

[Verse 2]
Sa Coliseum at Astrodome
Nakikisiksikan hanggang bubong
Nang-aalaska at nanggugulo
Pag nagfi-free throw ang katalo
Ang barangay ay nagdiriwang
Halftime ay kinse ang aming lamang
Cameraman, huwag mo lang kukunan
Si senador at congressman

[Chorus]
Pagbigyan nyo na ako
Paminsan-minsan lang ito
Gumaang ang nabibigatang puso
Pagbigyan nyo na ako
Sa munting hilig kong ito
Kung hindi, baka mag-away pa tayo

[Verse 3]
Nang second half ay mag-umpisa
Puro palpak ang tira nila
Offensive foul si Noli Locsin
At si Gayoso, na-traveling
Sa kakaibang shorts ni Jaworski
Ay ipinasok ang sarili
Kalagitnaan ng fourth quarter
Tabla ang score, 88 all

[Verse 4]
Drive ni Pido ay nasupalpal
Defense nila, na-technical
Parang gumuho ang aking daigdig
Nang maagawan si Bal David
Nang bumusina ng last two minutes
Three points ni Hizon ay nag-mintis
Kunsumisyon ay nagpatong-patong
Graduate si Marlou at si Ong

[Chorus]
Pagbigyan nyo na ako
Paminsan-minsan lang ito
Gumaang ang nabibigatang puso
Pagbigyan nyo na ako
Kahit na kahit paano
Sumaya ng bahagya itong mundo

[Verse 5]
Twenty-four seconds, lamang ng lima
Ang kalaban, bola pa nila
Dumidilim ang aking paningin
Ang tenga ko ay nagpapanting
Bumabalik sa aking isip
Ang nakaaway ko noong Grade Six
Parang gusto ko nang magkagiyera
Pag natatalo ang Ginebra

[Verse 6]
Galit ako sa mga pasista
Galit ako sa imperyalista
Feel na feel kong maging aktibista
Pag natatalo ang Ginebra


Browse: