Album Name : MKNM (Mga Kwento Ng Makata)
Release Date : 2012-07-01
Song Duration : 3:54
Gloc-9 Silup (feat. Denise Barbacena)
[Hook: Denise]
Mamang pulis
Pwede ba akong humingi sa inyo ng tulong
Dahil ako ay nadukutan
Mamang pulis
Pwede ba ako humingi sa inyo na saklolo
Upang di ako malapastangan
Ang pangalan ko ay SP-02 Ruben
Di ako mukhang pera kaya wag mo kong utuin
Tsapa ko'y aking dangalin di mo to kayang bilhin
Pero meron din naman parang tulog kahit gising
Sa kapangyarihan ay lasing budhi na tila maitim
Kapag kailangan ay tawagan pero ba't kaya walang dumarating
Eto meron dalawa na para bang walang pakialam
Sila pa ang pang-simuno ng gulo
Makikita mo sila lagi magulang at tiyan kumakalang
Kasama ang sakyan na bumubuto
Kaya pinipilit ko, pinipilit kong baguhin ang mga nasaisip niyo
Di lahat na pulis ay may ugali na para ba sa demonyo
Pero biro niyo mga droga nakolek ba't sila pumapatak
Kung sasalain na lahat na parak malamang madami ang latak
Pero mero pa kayong matuwid nakakabilib gumagawa ng mga tama
Kasi madami nakakatulig malakas humilig para mga sunog-baga
Teka muna tandaan mo to ako'y pulis na di kurap
Marami ring katulad ko marunong lang ako mag rap
Sangkot sa kotong at jueteng isang tiwaling hepeng
Laging nagpapalusot kung may padulas at may pwedeng
Maibulsa ang mairing parak na parang buteteng
Laot ano na bang nagyari dun sa kuratong baleleng
Laging patay na ang bida paglumabas sa eksena
Kapag tinanong ng reporter ay iisa lamang ang linya
Merong iba na sa tv ay tila nagpapatawa
Kulang na lamang ay sumigaw ng napaliligiran na kita
Mga taong nabubulag na hindi mo na mabilang
Paltik man o kwarenta isingko sa mga bewang
Ang gamit upang hindi ipagtanggol ang maliit
Bagkus ay nakatutok sa pagitan ng mga matang nakapikit
Pera kinurakot niyo sa mga bako niyo
Teka muna asan ang mga takot niyo
Gaano na kakapal ang putik na dumungi sa mga pagkatao niyo
Mero pa kayang ilang mga pulis na di kurap
Silang mga katulad ko marunong lang ako mag rap
-Hook-
Ang pangalan ko ay SP-02 Ruben
Di ako mukhang pera kaya wag mo kong utuin
Ang tsapa ko'y aking dangalin di mo to kayang bilhin
Kahit ang pasuweldo sa'min ay ilang pisong duling
-Hook-