Hansen Nichols Mahal Na Mahal
Ngumingiting ikaw ang nasa isip ko
Pinapangarap ka ng puso kong ito
Sasabihin ba ang nararamdaman sa'yo
O hahayaang ito ay itago?
Karapat-dapat ba ako para sa iyo?
Laging nariyan kapag kailangan mo
Alam kong mali ito, ano ang gagawin ko?
Sigaw ng puso ay tama ito
Puso't isip ko'y litung-lito
Ikaw pa ba'y dapat ibigin ko?
Mahal na mahal kita oh sinta
Araw-araw kong pinipilit limutin ka
Binubulong ng puso huwag sanang itago
Ikaw pa rin ang hanap-hanap ko
Sa bawat oras kita'y nakikita
Takot ang aking nadarama
Mahal na mahal kita oh sinta
Araw-araw kong pinipilit limutin ka
Binubulong ng puso huwag sanang itago
Ikaw pa rin ang hanap-hanap ko
Mahal na mahal kita oh sinta
Araw-araw kong pinipilit limutin ka
Binubulong ng puso huwag sanang itago
Ikaw pa rin ang hanap-hanap ko
Ikaw pa rin ang hanap-hanap ko...