Siakol Manibela
Sasabay ka ba sa aming paglarga
Wag kang mag-alala walang madidisgrasya
Hangga't ako'ng may hawak ng manibela
Pababa ka man o sing taas ng buwan
Iba man ang daan basta't sakyan mo lang
Hangga't ako'ng piloto mapupuntahan
Dalhin mo na ang gamit mo handa na ang lahat dito
Maupo ka na sayong puwesto at bubulusok na tayo
Sasabay ka ba?
Halika't sama na
Kahit ilan kakasya puno ang gasolina
Hangga't ako'ng may hawak ng manibela
Lilipad tayo malayo sa mundo
At makikita mo ganda ng paraiso
Hangga't ako'ng magda-drive di ka mababato
Dalhin mo na ang gamit mo handa na ang lahat dito
Maupo ka na sayong puwesto at bubulusok na tayo
Wag kang mag-alala
Walang madidisgrasya