Tj Monterde Malay Mo, Tayo
Napapaisip, nananaginip
Baka sakaling tayo sa huli
Ayaw silipin, na alanganin
Nagpapaniwalang 'di natin masabi
Ang plano sa'tin ng tadhana
Ba't ba parang may pag-asa
Klarong wala, kaso baka
Malay mo, tayo sa dulo
Hindi natin masabi kung
Ano nga ba ang kahahantungan
Sugal ng pag-ibig
Handa kong isuko ang sarili
Sa daang walang kasiguraduhan
Kasi malay mo, tayo
Malay mo, tayo
Sasalubungin, lalanguyin
Kung anong lalim, bahala na
At kung maulit, sakit at pait
Guguhong langit, 'di alintana
Sa dilim, diretso ang talon
Para sa sakaling meron
Alam kong wala, kaso baka
Malay mo, tayo sa dulo
Hindi natin masabi kung
Ano nga ba ang kahahantungan
Sugal ng pag-ibig
Handa ‘kong isuko ang sarili
Sa daang walang kasiguraduhan
Kung di kahapon, baka ngayon
Pano kung nung una'y, maling panahon
Malay mo, tayo sa dulo
'Di natin masabi
Ano nga ba ang kahahantungan
Sugal ng pag-ibig
Handa kong isuko ang sarili
Sa daang walang kasiguraduhan
Kasi malay mo, tayo
Malay mo, tayo
Pa'no kung tayo?