Up Dharma Down Anino
Pagod na ang mga labi kahit wala pang sinasabi
Puro minsan na lang, nakapako sa aking isipan
Tahan na, umiiyak ka na naman
Hindi ba't ikaw din ang papahid ng luhang yan
Hindi ka ba nag-sasawa sa tuwing titindig at titig sa salamin
Lahat ay nag-wakas, nakamtan ang kalayaan ko
Habang mayroon pang nalalabing lakas, nais kong malaman mo
Heto ako, sumpang hindi na uulit pa
Heto ako, handang-handang iwanan ka
Heto ako, mamumuhay ng mag-isa
Heto ako, ba't nariyan ka pa
Ipagpaumanhin mo sana ang takbo ng isipan kong ito
Sadyang ganyan lang tal'ga, wala sa katwiran
Alam mo, tama na tapos na ang nakaraan
Hindi ito nararapat gawan ng paraan
Hindi ka ba naiinis sa tuwing ika'y sinisisi
Sa pag-ibig na kailan ma'y hindi na umusbong
Noon ay sinabik, ngunit ngayon ako'y nagbabalik
Dahil lamang sa nag-iisang saglit na silayan kang muli
Heto ako, nakatayo sa iyong harapan
Heto ako, handa na atang masaktan
Heto ako, 'di na mag-papapigil pa
Heto ako, nariyan ka pa ba
Heto ako, dahil sa iyo'y gulong-gulo
Heto ako, sana'y paniwalaan mo
Heto ako, umaawit, litong-lito
Heto ako, unawain mo
Kailangan pa ba, kailangan kita
Nasaan ka na, nariyan ka pa ba
Ika'y sumumpa, hindi mawawala ang iyong pag-sinta
Huwag mo, huwag mo akong iiwan
Patawad kung ikaw ay nasaktan