Xsampaul Libre 'to
Singko, kailangan ko ay singko
Kailangan ko ito; may bibil'hin ako
Chichirya para sa ‘yo
At isang soft drink sa ‘yo
Pop Cola, o Pepsi?
Anuman ang iyong gusto'y bibil'hin ko
At libre ‘to O baby
At sana'y libre rin ang puso mo
Hindi mo ba alam kung bakit
Ako gan'to tanging sa ‘yo?
Payong, kailangan mo ay payong
Kailangan mo ito; ‘pagkat umuulan
Upang mayro'ng masilungan
Hanggang tumila ang ulan
Lumakas, tumila
Heto't gamitin mo'ng mahal na payong ko
At libre ‘to O baby
At sana'y libre rin ang puso mo
Hindi mo ba alam kung bakit
Ako gan'to tanging sa ‘yo o oh?
Kung alam mo lang sana
Mahal kita, sobra
Mahal kita, sobra
Pupwede bang
Pupwede bang
Libre, pwede bang libre ka na?
At libre ako O baby
At sana'y libre rin ang puso mo
Hindi mo ba alam kung bakit
Ako gan'to tanging sa ‘yo o oh? Oh