Dahong Palay At Muling Sumikat Ang Araw
Parating sa silangan ang hari ng digmaan
Ang lakas niya at tapang haligi ng kaharian
Inuwing katarungan sa atin ay iniwanan
Ating pagsaluhan ang tagumpay sa kadiliman
Walang hanggang awitan
Sinisigaw sa kadiliman
Walang hanggang awitan
Isinisigaw ng bayan ay iyong pangalan
Bakas ng kahapon ay kalimutan
Lihim ng umaga'y ipagdiriwang
Tumanaw sa kanluran ano itong katahimikan
Humanda nang lumaban hanggang sa kamatayan
Walang humpay na makipaglaban
Sigaw ng sandatahan ay digmaan
Awit ng kahapon ay natigilan
Sisikat ang araw sa kapatiran
Binukang kalangitan amang makapangyarihan
Ang sandata niyang tangan magliligtas sa katauhan
Awit ng kahapon ay natigilan
Sisikat ang araw sa kapatiran