Dahong Palay Kapatiran Ng Bakal At Apoy
Kami'y isinilang noong panahon ng bakal
Sa mga magulang na magigiting na kampeon
Dugo sa aking katawan
Dugo ng galit at suklam
Handa kaming lumaban ngayon kanino man
Limang daang taon pagtatanggol sa aming lahi
Walang tumawid sa aming landas na nagwagi
Ang kanilang dugo'y inalay sa diyos ng lupa
At ang kanilang katawa'y nakaratay
Sa damuhan
Kami'y mabubuhay hangga't sumisikat ang araw
Tuloy ang digmaan hangga't may lumalaban
Pagdaan ng mga siglo dumadagdag ang aming tapang
Bitbit namin ang sagisag ng
Kapatiran ng bakal at apoy